^

Probinsiya

Kinasuhang dalaga tinangkang mag-suicide

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Nakaligtas kay kamatayan matapos magtangkang mag-suicide ang 36-anyos na dalaga na nakakulong sa piitan dahil sa sinasabing pagdukot ng sanggol sa Barangay Tungel, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng Baggao police station, walang ulirat na isinugod sa ospital si Joccel Orlanda ng Barangay Dalin matapos itong uminom ng Hydroquinone Tretinoin sa loob ng selda.

Sinabi ng mga kasama ni Orlanda na walang humpay ito sa pag-iyak habang kinakausap ang sarili bago napansing nagkikisay na ito sa sahig.

?Sinampahan ng kasong kriminal si Orlanda ni Sweet Baby Gie Domingo nang tangayin niya ang 10-buwang anak na sanggol nito.?

Ayon sa report, dinala ni Orlanda sa bahay ng kaibigan sa Barangay Remus ang nasabing bata kung saan sila natunton ng mga pulis.?

Ayon sa kaibigan na si Janet Domingo, sinabi ni Orlanda na ang dala niyang sanggol ay bunga ng paulit-ulit nilang pagtatalik ng dati niyang boyfriend na si Gilbert Arculan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with