^

Probinsiya

3 ‘desperado’ nag-suicide

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo-katao na sinasabing may iba’t ibang matitinding problema sa kabuhayan ang kusang nagpasalubong kay kamatayan sa naganap na magkakahiwalay na suicide sa apat na lalawigan kahapon at kamakalawa.

Base sa police report, nagbigti ang 23-anyos na kasambahay na si Fatima Maulana sa bahay ng kanyang amo sa Block 7 Lot 14 ACM Homes sa Barangay Anabu II-B, Imus City, Cavite. 

Natagpuan ang bangkay ni Maulana sa loob ng palikuran ng bahay bandang alas-7 ng gabi kung saan narekoberr ng pulisya ang suicide note ng biktima.

Samantala, nagbigti rin ang  31-anyos na presong si Carlos Khen Cabillon Bongabong sa loob ng palikuran ng Bunawan Police Station sa Davao City noong Martes ng gabi.

Si Bongabong na may kasong paglabag sa RA 9262 ay sinasabing labis na kalungkutan ang nadarama ni Carlos sa kalagayan ng kanyang pamilya.

Nagpakamatay din ang 45-anyos na trike driver na si Reynaldo Alejandro matapos itong magbigti sa kusina ng kanilang bahay sa La Paz, Laoag City, Ilocos Norte noong Miyerkules ng hapon. Pinaniniwalaang problema sa pamilya ang isa sa motibo ni Alejandro kaya nagpasalubong kay kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with