PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 suspek sa nakawan nilikida ng tandem

NORTH COTABATO  , Philippines  — Dalawa-katao na sinasabing mga suspek sa nakawan ang napatay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem gunmen sa North Cotabato kahapon ng kamakalawa.

Kinilala ang dalawa na sina Mark Anthony Cabaluna, 19, ng Barangay Lanao; at Renato Sagucom, 30, kapwa binata, at nakatira sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City police station, kumakain ng burger sa harap ng superstore sa Quezon Blvd sa Kidapawan City  si Cabaluna nang lapitan at ratratin ng tandem kahapon ng madaling araw.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Samantala, si Sagucom na sinasabing suspek sa serye ng nakawan ng pa­nabong na manok ay nitratrat at napaty ng tandem assassins sa Purok 4, Barangay Amazion sa Kidapawan City.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng cal. 45 pistol.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: