PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trak swak sa tulay: 5 dedo, 6 malubha

Lima-katao ang namatay habang anim naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sugarcane truck hauler sa tulay sa bahagi ng Barangay New Leon sa bayan ng Aleosan, North Cotabato noong Miyerkues ng hapon. File

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Lima-katao ang namatay habang anim naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sugarcane truck hauler sa tulay sa bahagi ng Barangay New Leon sa bayan ng Aleosan, North Cotabato noong Miyerkues ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Edwin Abantes, hepe ng Aleosan police station, ang namatay na sina Anwar Ampatuan, 35, driver ng trak; Jeorge Demalanes, 60; Anliwa Fredo; at ang dalawang iba pa na di kinilala sa police report.

Kritikal naman ang mga sakay nito na sina Dagno Crisanto, Lagno Mobindo, Reynaldo Romeo Tungcar, Abdulah Abduraman, Matandes Jenie at isang di-pa nakilala, pawang residente ng Barangay Mana­rapan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Abantes, kargado ng produktong tubo ang truck at nang mapadako sa kurbadang highway ay biglang nawalan ng preno ang sasakyan.  

Hindi na magawang makabig pa ng driver sa mas ligtas na bahagi ng kalsada ang trak kaya bumangga ito sa steel barrier ng tulay saka nahulog sa may sampung metrong ilalim ng tulay. Dagdag ulat ni Joy Cantos

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: