PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Magsasaka niratrat ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kritikal ang 52-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang sakay ng kanyang kuliglig sa Sitio Calappawan, Barangay Fugu sa bayan ng Ballesteros, Cagayan noong Martes.
 Kinilala ni PO3 Eduardo Serrano Jr. ang biktima na si Reynaldo Uganiza na isinasalba ang buhay sa Ballesteros District Hospital dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
 Ayon sa pulis­ya, hindi drug suspect si Uganiza at sa halip ay sinisilip ang anggulong alitan sa lupa at love triangle dahil sa tsimis na may kinalolokohan itong babaeng may asawa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: