PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anak na tomador itinumba ng senglot na ama

Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police office ang napatay na si Alden Ver habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Alex Ver, 59.
 File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Pinabulagta ang  32-anyos na anak matapos itong barilin ng kanyang amang senglot habang umiihi sa gilid ng kanilang bahay sa Barangay Capasan, bayan ng Dingras, Ilocos Norte noong Martes ng gabi.


Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police office ang napatay na si Alden Ver habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Alex Ver, 59.


Lumalabas sa imbestigasyon na kapwa lango sa alak ang mag-ama nang sumiklab ang pagtatalo dahil sa lamangan sa pagtagay habang nakikipaglaklakan sa kanilang bisita.


Ayon sa police report, sinundan ng nakatatandang Ver ang anak habang umiihi sa labas ng kanilang bahay at pinutukan sa dibdib.

 Isinugod ang biktima sa Dingras District Hospital kung saan ito idineklarang patay habang sumuko sa pulisya ang ama nito dala ang murder weapon na cal.38 revolver na paltik.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: