Retiradong pulis inutas ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Pinabulagta ang 62-anyos na retiradong pulis matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay San Mateo, bayan ng Quirino, Isabela noong Lunes ng hapon.? Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Fernando Mallillin, hepe ng Quirino police station, nagkunwaring bisita ang dalawang suspek na nag-abang sa pagdating si retired Senior Police Officer 3 Ramon Villanueva.? Ayon sa ulat, hindi na nagpatumpik-tumpik ang gunmen nang ratratin ang biktima pagpasok nito mula sa pagsundo sa kanyang apo sa paaralan dakong alas- 5 ng hapon.?Tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo habang idineklarang patay si Villanueva sa ospital.
- Latest