PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rider utas sa motorbike crash

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  — Nabasag ang ulo ng 24-anyos na rider matapos na sumalpok ang kanyang motorsiklo sa waiting shed ng national road sa Zone 1, Barangay Siramag sa bayan ng Balatan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naapektuhan sa ulo dahil sa malakas na pagkakasalpok ng biktimang si Roy Saldivar ng Barangay San Agustin sa bayan ng Pili. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong ala-7 ng gabi, pauwi ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa pakikipag-inuman nang mawalan ng kontrol at sumalpok sa waiting shed sa tabi ng highway. Sumaklolo naman ang ilang residente pero patay na ang biktima na  pinaniniwalaang nakaidlip sa kalasingan kaya nawalan nang kontrol sa pagmamaneho.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: