^

Probinsiya

26 sugatan, 2 grabe sa karambola ng 3 bus

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
26 sugatan, 2 grabe sa karambola ng 3 bus

Naisugod sa pinakamalapit na ospital ang mga pasahero ng dalawang Philtranco Bus at Elavil Bus habang patuloy na nakiki­paglaban kay kamatayan sa isang ospital sa Naga City ang dalawang driver na sina Ricardo Petalco at Virgilio Aurellano. File

QUEZON – Umaabot sa 26 ang nasugatan habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos na magkarambola ang tatlong pampasaherong bus sa kahabaan ng Quirino Highway sa bayan ng Tagkawayan, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Naisugod sa pinakamalapit na ospital ang mga pasahero ng dalawang Philtranco Bus at Elavil Bus habang patuloy na nakiki­paglaban kay kamatayan sa isang ospital sa Naga City ang dalawang driver na sina Ricardo Petalco at Virgilio Aurellano.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi ay patungo sa Maynila ang minamanehong Philtranco Bus ni Petalco nang makabanggaan nito ang kasalubong na Philtranco Bus ni Aurellano.

Hindi naman nakapagpreno ang Elavil Bus na sumusunod sa bus ni Pe­talco kaya bumangga rin ito na ikinasugat ng mga pasahero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with