^

Probinsiya

Tindahan ng lechon manok, hinoldap

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Maging ang tindahan ng lechon manok ay hindi pinatawad ng apat na holdaper na sakay ng dalawang motorsiklo sa naganap na holdapan sa Barangay Poblacion, bayan ng Pulilan, Bulacan noong Linggo ng gabi. Ayon kay PO3 Jaime Alfonso, magsasara ng tindahan ang service crew na Axl John San Mateo nang biglang dumating ang apat na lalaki na nakunwaring bibili ng lechon manok. Gayunman, isa sa apat ang nagdeklara ng holdap kay San Mateo saka nilimas ang maghapong kinita ng tindahan. Tinangay din ng mga holdaper ang dalawang cell phone at ilang lechong manok saka tumakas sakay ng dalawang motorsiklo na walang plaka. Kaagad na nagreklamo sa himpilan ng pulisya si San Mateo kaugnay sa naganap na holdapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with