Driver dinedo ng senglot
CAVITE, Philippines — Napatay ang 43-anyos na driver matapos itong barilin ng dating nakaalitan sa Barangay Biclatan, General Trias City, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Joey Lagrama habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Vivencio Bernal. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, manghihiram sana ng construction material ang biktima sa kapitbahay nang magkita sila ng suspek na nakikipag-inuman naman sa ilang kaibigan. Humantong sa mainitang pagtatalo ang pagkikita ng dalawa hanggang sa magkasuntukan subalit napayapa naman. Gayunman, ilang minuto ang nakalipas nang mamataan ng suspek ang biktima kaya isinagawa ang pamamaril.Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest