^

Probinsiya

Nobya nagbigti matapos mag-suicide ng nobyo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Kapwa nagdadalamhati ang dalawang pamilya matapos ang magkasunod na suicide ng magkasintahan sa Barangay Lagao, General Santos City sa South Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon sa amang si Alberto Renoy, posibleng hindi nakayanan ng kanyang anak na si Albrena Renoy, 27, ang pagpakamatay ng kaniyang nobyo na isang call center agent.

Sa pahayag ni Alberto, kagabi lamang ay nagpunta pa sila sa burol ng nobyo ng kanyang anak na posibleng nakadagdag sa labis na depression nito.

Napag-alaman na hindi umano pabor ang pamilya ng nobyo sa relasyon kay Albrena na sinasabing may may isa itong anak.

Mensahe pa ng ama ng dalaga sa mga magulang na tutol sa relasyon ng kanilang mga anak na iwasan ang sobrang paghihigpit at pagdidikta sa kung ano ang nararamdaman at sino ang napupusuan ng mga anak.

Nabatid na bandang alas-3 ng madaling araw nang nag-suicide si Albrena sa kanilang bahay sa Pioneer Avenue, Brgy. Lagao gamit ang pisi.

Napag-alamang ilang araw pa lamang nang unang nag-suicide ang kanyang nobyo.

Magdaraos sana ng birthday bukas (Nob. 23) si Albrena na kasabay sana sa kaniyang amang si Alberto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with