^

Probinsiya

Collector ng STL inutas ng mananaya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang 57-anyos na collector ng Small Town Lottery matapos itong barilin ng tumaya sa kanya dahil sa kulang umano ang ibinigay na napalunan sa Barangay San Francisco sa bayan ng Magarao, Camarines Sur noong Sabado ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Medical Center sa Naga City ang biktimang si Alberto Coballes habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Joel Bernas, 37, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Gen.Simeon Ola, kinompronta ng suspek ang biktima dahil sa kulang ang ibinigay na perang napanalunan sa STL. Gayunman, naging mainit ang pagtatalo ng dalawa kaya binoga ng suspek ang biktima. Pinaghahanap na ang suspek at sinampahan ng kasong murder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with