^

Probinsiya

Babae ni-rape slay ng durugista

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ng durugista ang hindi pa kilalang babae sa panibagong karahasang naganap sa tabing-ilog sa Barangay Sta. Rita, Tabacuhan, Olangapo City sa Zambales kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na nasa edad 30 hanggang 33, may limang talampa­kang taas, kayumanggi.

Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng babae na may sugat sa ulo at bibig na sinasabing pinalo.

Narekober sa tabi ng bangkay ang resibo ng electric bill na sinasabing naiwan at magsisilbing lead ng pulisya para matukoy ang suspek.

Naalarma naman ang mga residente sa sunud sunod na patayan at karahasan ang nagaganap sa nasabing lungsod.

Samantala, hindi naman mahagilap si P/Senior Supt. Melchor Cabalza, city police director kaugnay sa brutal na pagpatay sa nasabing babae at patuloy na karahasang nagaganap sa nasabing lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with