^

Probinsiya

2 patay, 2 sugatan sa killer bus

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawa-katao kabilang ang 60-anyos na dayuhan ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang SUV sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok Macapagal, Barangay Buhatan, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Terry Lee Woodliff, driver ng SUV, tubong Wisconsin, USA at nakatira sa 6P Chilssy Tower 2, Muntinlupa City; at Rolando Hara Belardo, 47, ng Barangay Buhatan.

Patuloy namang ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital sina Analyn Esparrago Woodliff, 25; at Jessie Hebres,12. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, lulan ng SUV (AKA-4236) ang mga biktima nang biglang kumaliwa kaya nasalpok ng Elavil Bus (TXY-466) na minamaneho ni Rodolfo Abijay Jr., 52, ng Daet, Camarines Norte.

Sa lakas ng pagkakabangga nakaladkad pa nang ilang metro ng bus ang SUV ng mga biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with