^

Probinsiya

Sunog: P1.2-M ari-arian naabo; helper dedo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sunog: P1.2-M ari-arian naabo; helper dedo

Umabot naman sa P1.2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo na sinasabing electrical problem ang pinagmulan ng apoy. File

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 66-anyos na helper matapos itong makulong sa bahay na nasunog sa Sta. Cecilia Subdivision, Barangay Gusa sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nelie Zapanta na sinasabing na suffocate nang balikan ang ilang kagamitan sa nasusunog na bahay na nagsisilbi rin panaderya at opisina.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, narekober ang bangkay ni Zapanta malapit sa pintuan ng bahay.

Umabot naman sa P1.2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo na sinasabing electrical problem ang pinagmulan ng apoy.

Ayon kay SF01 Dennis Dalis, bago naganap ang sunog ay tumawag pa ng electrician si Nathaniel, anak ni Bienvenido Macaraeg Jr. na may-ari ng bahay  dahil sa kumikislap kislap na bumbilya sa kanilang silid.

Sa pahayag ng may-ari ng bahay na si Macaraeg Jr., nasunog ang lahat ng kanilang ari-arian kabilang na ang tatlong sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with