^

Probinsiya

Bomb threat ipinoste sa facebook

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —    Binulabog ng matinding tensyon ang mga estudyante at mga professors sa kilalang unibersidad matapos makatanggap ng bomb threat na pinadaan sa facebook sa Batangas City, Batangas noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Batangas City Police na naisumite sa Camp Crame, dakong alas-7 ng umaga nang magulantang ang faculty ng Batangas State University sa nakaposte sa facebook na may bombang nakatanim sa kanilang campus.??

Ayon sa imbestigasyon, ang bomb threat ay ipinadala dakong alas-11:46 ng gabi noong Huwebes at nakita lamang bandang alas-7 ng umaga noong Biyernes.

Agad itong inireport sa pulisya at mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosives and Or­dinance Division (EOD) Division ng Batangas Police bitbit ang mga K9 dog.

Pinalabas muna sa uni­bersidad ang mga estud­yante at professors habang hinahalughog ng mga awtoridad ang buong campus sa nakatanim umanong bomba na nakatakdang sumabog.

Gayunman, matapos ang ilang oras na paghahalughog ay negatibo sa bomba ang unibersidad.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa imbestigasyon upang matukoy kung sino ang frankster na nag-post ng bomb threat na lumikha ng matinding alarma sa nasabing unibersidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with