^

Probinsiya

Kahera ng boutique utas sa holdaper

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon  , Philippines  — Brutal na kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na dalagang kahera sa boutique matapos itong holdapin ay sinaksak sa mukha ng hindi kilalang lalaki sa Barangay 3, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon.

Nakatarak pa sa kaliwang mata ang patalim na ginamit sa pamamaslang sa biktimang si Vheanca Anne Punzalan, tubong Macalelon, Quezon at naninirahan sa Puerto del Mar Subdivision, Barangay Domoit sa nasabing lungsod.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Reynaldo Maclang, natagpuan ang duguang katawan ng biktima makaraang pumasok ang may-ari ng Baby Owl Boutique na si Gloria Magadia.

Kaagad na ipinagbiga­­y-alam ni Magadia sa pulisya ang nadiskubreng krimen kung saan natuklasang na­­wawala ang P1,500.00 cash na kinita ng nasabing shop. Pinaniniwalaang pu­malag ang kahera sa mga holdaper kaya tinuluyang patayin habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with