Army itinumba sa palengke
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang 27-anyos na sundalo ng 9th Infantry Division ng Philippine Army matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng public market sa Purok 2, Barangay Anislag sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.
Napuruhan sa ulo ang biktimang si Pfc George Rey Murillo ng Barangay Cumadcad sa bayan ng Pilar, Sorsogon.
Base sa police report na nakarating kay P/Chief Inspector Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay police, namimili ng mga gulay at karne ang biktima kaugnay sa zumba activity at clean and green program ng Philippine Army nang lapitan at barilin sa ulo.
Tinangay ng gunmen ang cal. 45 pistol ng biktima at malaking halaga.
Tumakas ang gunmen lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Maopi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest