^

Probinsiya

Kotse vs poste: 4 kabataan patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kotse vs poste: 4 kabataan patay

Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Michael Angelo Manaoat, driver ng sasakyan; at Kevin de Guzman habang ang dalawa pa ay patuloy na inaalam ang pagkaka­kilanlan. File

MANILA, Philippines — Apat na kabataan ang iniulat na namatay habang apat naman ang nasuga­tan makaraang bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Matalava East, bayan ng Lingayen, Pangasinan noong Biyernes.

Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Michael Angelo Manaoat, driver ng sasakyan; at Kevin de Guzman habang ang dalawa pa ay patuloy na inaalam ang pagkaka­kilanlan.

Patuloy namang ginagamot sa Lingayen Provincial District Hospital ang apat na nasugatan na nagtamo ng mga pagkabali ng buto.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Ariel Diaz, Darwin Balo-Balo at dalawang iba pa.

Sa report ng Panga­sinan police, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima sa Dagupan City mula sa binyagan sa bayan ng Bugallon lulan ng Honda Civic nang aksidenteng sumalpok sa poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaliktad pa ng makailang ulit ang SUV saka sumalpok sa barandilya sa tabi ng highway.

Sa pahayag ng mga testigo, masyado umanong mabilis ang takbo ng sasakyan na humantong sa malagim na sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with