^

Probinsiya

Rambol: 1 patay, 2 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natigok ang customer ng videoke bar habang dalawa naman ang kritikal matapos gripuhan ng kanilang mga kaaway sa rambulan sa Barangay Calog Sur, bayan ng Abulug, Cagayan noong Miyerkules.? Kinilala ni PO2 Christopher  Carpio ang napatay na si Samuelito Reyes habang sugatan naman ang mga kasamahang sina Angelo Gorgonio at Aliton John Tacardon.? Sinasabing agawan sa mikropono at pasikatan sa pagkanta sa videoke ang pinagmulan ng alitan ng mga biktima at  mga suspek na sina Joseph Tugade,  Jerome Tugade, Cris Singko at Alyas Benito Guapo ng Luna, Apayao.? Ayon sa police report, nagpang-abot ang dalawang grupo kung saan  napatay si Reyes habang dalawa naman ang malubhang nasugatan na kasalukuyang ginagamot sa Far North Hospital sa Luna.

Nadakip naman ng mga pulis ang magkakaanak na Tugade habang nakatakas sina  Singko at Benito Guapo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with