^

Probinsiya

Tulak kumasa sa checkpoint, dedo

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, MANILA, Philippines — Napaslang ang isa sa dalawang notor­yus na tulak-droga matapos itong kumasa sa mga pulis na nagmamando sa checkpoint sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Baltazar Conrado Jr. habang tinutugis naman ang kasabwat nito.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Fitz Macariola, nagmamando sa checkpoint ang mga pulis nang mamataan ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo.

Tinangkang pahintuin ng mga pulis ang riding-in-tandem dahil sa kawalan nito ng helmet subalit kumasa ang dalawa na nauwi sa shootout.

Narekober ang cal.38 revolver, mga bala, coin purse na may 11 plastic sachet na shabu, motorsiklo na walang plaka at ilang personal na gamit ng napatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with