^

Probinsiya

Taxi driver itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Napaslang ang 38-anyos na taxi driver matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan noong Martes ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Mervin Romena ng Evergreen Subdivision sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Danilo Atabay, nakikipag-usap ang biktima kay Alyas Joy nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-8:30 ng umaga. Natulala at tumakbo ang kausap ng biktima sa takot na madamay sa pamamaril. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may nakaalitan ang biktima sa kanilang barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with