^

Probinsiya

Mag-asawa pisak sa killer trak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Kamatayan ang sinapit ng mag-asawang rider makaraang masalpok at magulungan ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bagacay sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur, kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rodrigo Bragais at Luisa Bragais, mga nakatira sa Barangay Pamukid sa bayan ng San Fernando. Arestado naman ang drayber ng 10-wheeler truck na si Abeto Edem Jr., 43, ng Purok 4, San Pablo City, Laguna. Base sa police report na naisumite sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang mag-asawang lulan ng motorsiklo nang suyurin ng trak (GKE330) ni Edem Jr. pagsapit sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, itinanggi ng driver ng trak na siya ang nakasalpok sa motorsiklo ng mag-asawa subalit idiniin naman siya ng mga nakasaksi sa sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with