^

Probinsiya

Motorbike vs bus: 3 estudyante todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong estudyante ang namatay makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Bantug, Muñoz City sa Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Roniel Listerio, Josell Martin, kapwa 23-anyos; mga graduating civil engineering students  sa Central Luzon State University; at si Andrea Gamboa, 20, estudyante naman sa Computer Training Center.

Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, magkakaankas sa motorsiklo ang mga biktima nang makasalpukan ng Victory Bus na patungong Cagayan bandang alas-11 ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nagpaalam sa kanilang mga pamilya para dumalo sa birthday party ng isa sa mga kaibigan sa kanugnog na barangay.

Samantala, bago umuwi ay nag-post pa ang mga biktima ng kani-kanilang larawan sa facebook na nakita pa ng kanilang pamilya.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with