PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Rider dedo sa motorbike crash

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —   Kamatayan ang sinapit ng isang rider habang isa pa ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Purok 6, Barangay Rawis sa Legazpi City, Albay noong Lunes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raymund Bajaro ng Barangay 55 sa bayan ng Estanza habang sugatang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang nakasalpukang rider na si Ricky Maceda Quinones ng Barangay Bitano. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkasalubong na tinatahak ng motorsiklo ni Bajaro at motorsiklo ni Quinones ang kahabaan ng highway nang magkasalpukan. Kapwa isinugod sa ospital ang dalawang riders subalit idineklarang patay si Bajaro habang  patuloy na ginagamot si Quinones.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: