PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ama utas, anak sugatan sa ambush

BULACAN  , Philippines  —   Patay ang 31-anyos na ama habang sugatan naman ang kanyang anak na nene makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Bañga 1st sa bayan ng Plaridel, Bulacan noong Lunes ng umaga. Napuruhan sa katawan si Jose Salvador Enriquez habang ginagamot naman sa Marcelo Padilla Hospital ang sugatang anak na si Alliaj Enriquez na kapwa nakatira sa Barangay Tabon sa bayan ng Pulilan. Ayon kay SPO1 Marvin Macalinao, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-amang pauwi na nang ratratin ng tandem gunmen pagsapit sa nasabing lugar bandang alas-11:45 ng umaga. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: