PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Online gaming shop, hinoldap

BULACAN  , Philippines  —  Tinatayang aabot sa P.2 milyong cash at mga aria-arian ang naglaho makaraang holdapin ng mga hindi kilalang kalalakihan ang online gaming shop sa Barangay Sampaloc sa bayan ng San Rafael, Bulacan noong Lunes ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni SPO1 Rypson Querijero, abala ang may-ari ng Total Game Zone Online Games na si Rachel Dela Cruz sa mga parukyano nang biglang dumating ang anim na kalalakihan na naglaro ng online games. Gayunman, ilang minute ang nakalipas ay nagdeklara ng holdap ang grupo ng lalaki kung saan ipinasok sa stock room ang ilang kawani at security guard saka nilimas ang malaking halaga at ang siyam na computer. Tumakas ang mga holdaper sakay ng Toyota Innova na may plastic cover ang plaka nito patungo sa bayan ng Baliwag.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: