PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawa tiklo sa droga, arms cache

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Arestado ang mag-asawang negosyante makaraang makumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng shabu at mga high-powered firearms sa inilatag na anti-drug operation ng Phil. Drug Enforcement Agency-12 (PDEA) sa Barangay Poblacion, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ni PDEA 12 Director Gil Castro ang mag-asawang sina Richard Balbini at Janet Balbini, kapwa nasa talaan ng PDEA bilang high-value target at sinasabing miyembro ng Bawan Drug Group na may ope­rasyon sa North Cotabato. Magkasunod na hinalughog ng PDEA-12 ang bahay at business establishment ng mag-asawa sa nasabing barangay pasado alas-5 ng umaga kahapon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: