PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kawatan nakuryente sa tindahan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Natigok ang sinasabing notoryus na kawatan matapos itong makuryente sa loob ng tindahan na kanyang nilooban sa Barangay Abariongan Uneg, bayan ng Sto. Niño, Cagayan noong Lunes ng gabi. Ayon kay SPO3 Carlos Ceria, nadiskubre ng may-ari ng tindahan na si Zenaida Florentino ang natustang bangkay ng biktimang si Erwin Garcia  makaraang magbukas ng mga paninda dakong alas-7 ng umaga. Ayon kay Ceria, nakapasok mula sa maliit na lagusan sa tindahan si Garcia subalit aksidenteng nahawakan nito ang talop na kable ng kuryente ng refrigerator kaya ito nagkikisay at namatay.
Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang naganap na insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: