PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Romblon idineklarang drug-free ng PDEA

MANILA, Philippines — Idineklara na kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region IV-B na drug cleared province ang Romblon kaugnay ng puspusang kampanya laban sa drug trade.

Sa ginanap na seremonya sa Romblon State College kamakalawa, sinabi ni PDEA Deputy Director General for Operations Raul Lasala na natugunan ng lalawigan ang mga reki­sitos at pumasa na rin ito sa ebalwasyon para opisyal na maideklarang drug-free na ang nasabing lalawigan.

Base sa tala, ang Romblon ang ikalawang lalawigan sa bansa na nai­deklarang drug-free sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos namang una nang malinis sa droga ang Batanes.

Bunga nito ay dumalo naman sa signing and awarding of certificate sina Romblon Vice Gov. Jose Riano, Rep. Emmanuel Madrona at Police Director P/Chief Supt. Wilben Mayor, Assistant Regional Director PDEA Mario Ramos, Interior and Local Government Regional Director Florida Dijan at iba pang mga opisyal.

Sa ilalim ng Project Double Barrel, Project Double Barrel Alpha at Project Double Barrel Reloaded ay nakapaglunsad ang Romblon Police Station ng kabuuang 35 operasyon kung saan nasakote ang 47 drug suspek kabilang ang ilang tiwaling opisyal ng barangay.

Samantala, nakasam­sam naman ng 188. 3838 gramo na shabu at 54.722 gramong marijuana. Ito’y bago pa man ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug war ng PNP noong unang bahagi ng Oktubre 2017.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 “I congratulate the PNP personnel of Romblon Police Provincial Office for their great contributions of making the province free and cleared from illegal drugs,”pahayag ni Mayor na pinasalamatan rin ang lokal na pamahalaan at netizens sa kontribusyon sa anti-drug campaign.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: