^

Probinsiya

30 armas ng Maute-ISIS nasabat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
30 armas ng Maute-ISIS nasabat

Sa ulat ni Brig. Gen. Roseller Murillo, comman­der ng Army’s 1st Infantry Division, nasamsam ang mga armas sa bahagi ng lawa ng Lanao sa harapan ng  gusali sa Barangay Marinaut na nagsilbing ‘final stand’ ng Maute-ISIS terrorists.

MANILA, Philippines — Aabot sa 30 armas ng Maute-ISIS na ginamit sa Marawi City ang nasabat ng Joint Task Force Ranao sa Lanao Lake sa pagpaptuloy ng clearing operations ng  militar sa nasabing lungsod kamakalawa.

Sa ulat ni Brig. Gen. Roseller Murillo, comman­der ng Army’s 1st Infantry Division, nasamsam ang mga armas sa bahagi ng lawa ng Lanao sa harapan ng  gusali sa Barangay Marinaut na nagsilbing ‘final stand’ ng Maute-ISIS terrorists.

Narekober sa ilalim ng tubig ng lawa ang mga armas na itinago ng Maute-ISIS terrorists sa Marawi City siege na kinabibila­ngan ng cal. 50 machinegun, tatlong M60 machine guns, 12 M14 rifles, apat na cal. 50 sniper rifles, dalawang AK 47 rifles, dalawang Carbine rifles, tatlong FAL rifles, M79 rifles at dalawang M16 rifles.

Nabatid na gumagamit na ng mga scuba divers ang Naval Forces Western Mindanao Command na ipinadala sa Marawi City upang tumulong sa clearing operations.

Magugunita na noong Oktubre 17 ay idineklara mismo ni Pangulong Du­terte na malaya na sa te­rorismo ang Marawi City kasunod ng pagkakapatay sa dalawang lider ng te­rorista na sina Commander Isnilon Hapilon at Omar Maute. Nasundan ito ng pagtatapos ng combat ope­rations noong Oktubre 23, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with