^

Probinsiya

Pulis patay sa ambush ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang bagitong pulis habang sugatan naman ang kasamahang pulis makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kahabaan ng highway sa Barangay Buyo sa bayan ng San Fernando, Masbate noong Linggo ng umaga. Idineklarang patay sa Masbate City Hospital si PO1 Matthew Baybayon habang patuloy na ginagamot ang kasamahang si PO1 Edgarde Demingoy, kapwa nakatalaga ng Bravo Company, 3rd Maneuver Platoon ng 5th Regional Public Safety Batallion na nakabase sa Barangay Canares sa bayan ng Batuan. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkasamang naglalakad pauwi ang mga biktima mula sa isinagawang intelligence monitoring nang tambangan ng mga rebelde. Tinangay ng mga rebelde ang mga service firearms ng dalawang pulis. Narekober sa ambush site ang basyo ng M203 grenade launcher, at mga 39 basyo ng bala ng M16 Armalite rifles, M14 Armalite rifles at AK47 assault rifle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with