^

Probinsiya

Sundalo tigok sa encounter

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natigok ang isang sundalo ng Phil. Army makaraang sumiklab ang eng­kwentro ng militar laban sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Sitio Minanga, Barangay San Carlos,  bayan ng Echague, Isabela noong Linggo. ?Sa ulat na nakarating kay Maj. Gen. Paul Atal, commander ng 5th Army Division sa Camp Upi, Gamu, rumesponde ang tropa ng 86th Army Battalion makaraang makatanggap ng ulat na may mga armadong kalalakihan sa nasabing lugar.? Sumiklab ang putukan kung saan napatay si Cpl. Denver Banban.? Gayunman, iniutos ni Isabela Police Director P/Senior Supt. Reynaldo Garcia na maglatag ng mga checkpoint sa mga daraanan ng mga rebelde na nagsisitakas.? Matatandaan na noong nakaraang linggo, sinasabi ng militar na napatay ang isang NPA rebs subalit aabot naman sa 10 sundalo ang sugatan sa naganap na engkwentro sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with