^

Probinsiya

Misis inutas ni mister saka hinostage ang sarili

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Misis inutas ni mister saka hinostage ang sarili

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Manny Roger Enriques, hepe ng Burgos police station, nabaril ng suspek ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo kaugnay sa problemang pampamilya.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Hinostage ng 65-an­yos na dating barangay ka­gawad ang sarili makaraang mapatay ang kanyang misis sa Barangay San Miguel sa bayan ng Burgos, Isabela kahapon ng umaga.

Sumuko naman ang sus­pek na si Rolly Gabriel habang nakilala naman ang kanyang misis na si Isabela Gabriel, 61, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Manny Roger Enriques, hepe ng Burgos police station, nabaril ng suspek ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo kaugnay sa problemang pampamilya.

Sugatan naman ang kapitbahay na si Ricardo Asuncion matapos itong mabaril nang tangkain nitong mamagitan.

Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspek at nagtago sa simbahan sa Barangay Ling­lingay sa bayan ng Gamu.

Umabot sa walong oras ang negosasyon bago na­pasuko ang suspek na nahaharap  sa patung-patong na kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with