^

Probinsiya

200 assessors itinalaga sa Marawi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
200 assessors itinalaga sa Marawi

Paliwanag ni Civil Defense Assistant Secretary Kris­toffer JamesPurisma ang findings ng mga assessors sa loob ng dalawang linggong pagsusuri ay ito ang gagamitin na basehan para sa rehabilitation plans para sa nasabing lungsod. AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 200 assessors ang kokolekta sa mga patay at mag-iinspeksyon sa mga istrakturang nawasak sa may 24 barangay sa loob ng Marawi City.

Ayon kay  Civil Defense Assistant Secretary Kris­toffer James Purisima na ang nasabing assessors mula sa gobyerno ang siyang susuri sa damage sa main battle area matapos na tapusin ng militar ang kanilang combat operation laban sa  mga teroristang Maute- ISIS group.

Kaya matapos ang mopping-up operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing lugar ay binigyan na umano ng clearance ang mga assessors na simulan ang post-conflict assessment sa main battle area ng Marawi City.

Paliwanag ni Purisma ang findings ng mga assessors sa loob ng dalawang linggong pagsusuri ay ito ang gagamitin na basehan para sa rehabilitation plans para sa nasabing lungsod.

Tinataya umanong 95 porsiyento ng mga gusali sa main battle area ang halos napulbos.

Bagama’t nakauwi na rin umano sa kani- kanilang bahay ang may 350,000 bakwit ay pinagbabawalan pa rin makabalik ang iba sa main battle area.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with