^

Probinsiya

Flagman ng DPWH utas sa killer bus

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 50-anyos na flagman sa highway ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos itong masagasaan ng passenger bus sa Barangay Binahaan sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Herminio Alcala ng Barangay Ibabang Palsabangon. Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rizaldy Merene, chief of police sa nasabing bayan, patungo sa bayan ng Tagkawayan ang P&O Bus na minamaneho ni Aldrin Garcia nang banggain nito ang signage ng DPWH sa Maharlika Highway. Tiyempo namang nakatayo sa kalye ang biktima kung saan pinahihinto ang bus subalit tuluy-tuloy itong sinagasaan. Naaresto naman ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with