PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 patay, 3 kritikal sa nahulog na trak

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasa malubhang kalagayan matapos mahulog  ang sinasakyang truck sa Brgy. Lublub, Alfonso Castañeda sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni SPO4 Teody Balucanag, imbestigador ng Alfonso Castañeda Police ang mga nasawi na sina Benjamin Thomas at Nick Guevara, kapwa residente ng Bakal, Talavera sa katabing lalawigan ng Nueva Ecija.

Ang mga malubhang nasugatan ay sina Ramon Mendoza, 54; ng Bakal 3, Talavera, Nueva Ecija; Gregorio Ventura, 32; at Nilo Hernandez, kapwa ng Brgy. Maligaya Muñoz, Nueva Ecija.

Sa ulat,  dakong alas-9:30 nang umaga habang binabagtas ng Isuzu trak (POS 912) na puno ng palay ang pababa at madulas na bahagi ng kalsada sa Sitio Tawang nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na si Mendoza matapos pumalya ang preno dahil na rin sa madulas na daan kung kaya’t nahulog ito sa gilid ng kalsada.

Agad na nasawi ang helper na si Thomas matapos isugod ng mga rescue team ng Alfonso Castañeda sa pinakamalapit na MHU habang si Guevara na may-ari ng trak ay nasawi rin sa isang pagamutan sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: