PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May-ari ng punerarya itinumba

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang isang babae na may-ari ng isang punerarya sa Agusan del Sur matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa harap ng kanyang anak nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Yolanda Chatto, may-ari ng Chatto Funeral Homes.

Ayon sa mga nakasaksi, ang gunman at isa pang suspek ay nagbalatkayo na customer at nagpanggap na may ipapa-embalsamo. Hinanap ng suspek ang biktima at nang makababa mula sa ikalawang palapag ng bahay ay dito na pinagbabaril ng gunman si Chatto. Nagtakbuhan ang tatlong empleyado ng punerarya dahil sa takot. Nakita umano ng tatlong mga empleyado ang malagim na insidente.

Napaluha naman ang 10-anyos na anak ni Chatto habang pinagmamasdan ang wala nang buhay na ina ilang metro lang ang layo sa naka-display na kabaong ng punerarya. Plano pa umano sana nilang mag-celebrate dahil birthday niya kahapon, Biyernes.

Bagong hiwalay sa asawa ang biktima. Ayon kay Roro, malalim ang dahilan ng away ng mag-asawa dahil sa negosyo. Kaya kasama ito sa mga anggulong tinitingnan ng awtoridad bilang posibleng motibo ng pagpatay sa biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: