PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dahil lang sa ipot ng itik Biyudo kinuyog, pinugutan ng mga kapitbahay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil lamang sa ipot, brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 32-anyos na biyudo matapos siyang kuyugin at pugutan ng kanyang mga kapitbahay sa Brgy. San Antonio, Burgos, Isabela kamakalawa. 


Sa report na nakarating kay Isabela Police Director Sr. Supt Reynaldo Garcia, nag-ugat ang gulo matapos sitahin ng suspek na si Marvin Tagura, 30, ang kapitbahay at biktimang si Celso Realingo nang ipagtabuyan nito ang mga alagang itik ng una na pumasok sa kanyang bakuran. Nagkakalat umano ng ipot ang mga itik sa teritoryo ni Realingo kaya’t pinagtataboy niya sa kalsada na hindi nagustuhan ni Tagura.


Ayon sa report, nakisawsaw na rin sa pagtatalo ang mga kaanak ng suspek na sina Angelo Tagura, 26; Gellyboy Tagura, 19, at lolong si Francisco Tagura, 62, na kalaunan ay kinuyog ang biktimang si Realingo saka siya pinugutan ng tabas.


Tumakas ang mga suspek dala ang duguang tabas at tanging si Angelo Tagura lamang na umano’y may rayuma ang nadakip ng mga nagrespondeng pulis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: