PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 totoy nilamon ng tubig-baha

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang totoy ang nalunod matapos magtampisaw sa palayan na nilubog ng tubig-baha dulot ng walang puknat na buhos ng ulan sa Barangay Cordova, bayan ng Amulung, Cagayan noong Miyerkules. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Manuel Viloria Jr, hepe ng Amulung police station, nilamon ng tubig ang mga biktimang sina Gerard Sabban, 9; at Mark Ronald Maggay, 10, kapwa residente ng nasabing lugar. Nabatid na napagawi ang dalawa sa may anim na talampakang lalim na baha kaya nakasabay si kamatayan. 
 Nabatid na kasama ng mga biktima ang ilang kaklase na naglaro sa palayan matapos suspendihin ni Gob. Manny Mamba ang klase dahil sa nagaganap na flashfloods. 
Base sa tala, apat pa ang unang namatay sa pagkalunod at landslide sa Cagayan simula ng manalasa ang amihan noong Lunes.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: