PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hitman todas sa shootout

MANILA, Philippines — Napaslang ang sinasabing notoryus na hitman matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay San Nicolas, San Pablo City, Laguna kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Ryan de Guzman ng Sitio Bagong Silang sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni P/Senior Supt. Cecilio Ison Jr. na naisumite sa Camp Crame, isisilbi ng mga operatiba ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court  Branch 32 sa tirahan ng suspek nang kumasa ito at nakipagbarilan. Sumiklab ang ilang minutong putukan sa pagitan ng pulisya at ng suspek na napatay naman. Pinaghahanap naman ang iba pang kasabwat ni Ryan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: