PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P2.10-M ari-arian naabo

BULACAN, Philippines — Tinatayang aabot sa 2.10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang tatlong gusali sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria at Barangay Barihan sa Malolos City, Bulacan kahapon. Kabilang sa mga nilamon ng apoy ay ang Lorie Phil Gift Shop Inc. na pag-aari ni Maricar Pineda; Eileen Grocery ni Rolando Del Rosario na nasa Brgy. Poblacion, bayan ng Santa Maria at ang Luzon Ram Cycle Inc. na pag-aari ni Felipe Manahan sa Brgy. Barihan sa Malolos City. Kaagad namang naapula ang apoy sa dalawang establisimyento matapos ang isang oras. Samantala, dakong alas-7 naman ng gabi nang magsimulang masunog ang Luzon Ram Cycle Inc. kung saan naapula naman bandang alsa-7:45 ng gabi. Wala namang napaulat na nasugatan o namatay sa tatlong sunog habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: