PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pampasaherong van sinunog ng NPA

NORTH COTABATO, Philippines — Aabot sa milyong halaga ang naabo makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army ang pampasaherong van sa Barangay Lumasal, bayan ng Maasim, Sarangani kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tatlong lalaki na nagmula sa General Santos City ang sumakay ng van (VFP475) na minamaneho ni Rey Napilis patugong bayan ng Maitum, Sarangani. Gayunman, pumara ang isa sa mga pasahero at pagkababa nito ay mabilis namang lumapit ang ilang armadong lalaki na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Pinababa umano ang driver at mga pasahero saka binuhusan ng gasolina ang van at sinilaban. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa revolutio­nary tax na tumangging ibigay ng may-ari ng sasakyan kaya naganap ang panununog.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: