PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Babae dinedo sa videoke bar

CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa drug trade ang motibo sa pagpatay sa isang babae matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng videoke bar Barangay Sabang sa bayan ng Naic, Cavite kahapon ng madaling araw. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakaupo ang biktimang si Myrna Azores sa loob  ng bar nang lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang gunman. Nagpulasan ang ibang customer at waitress sa loob ng bar  para hindi madamay sa pamamaril habang sinamantala naman ng gunman na tumakas. Hindi naman natukoy ng mga pulis kung ang biktima ay nagta­trabaho sa nasabing bar o costumer.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: