PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Wanted sa 2 kasong murder, tiklo

BULACAN, Philippines — Arestado ang 55-anyos na suspek sa dalawang kasong murder sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Lambakin sa bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Ronnie Rueda, magsasaka at nakatira sa nasabing barangay.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Isagani Enriquez, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek base sa dalawang warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Regional Trial Court Branch 78 sa Malolos City at walang inirekomendang piyansa.

Base sa tala ng pulisya, si Rueda ang pangunahing suspek sa pagpatay kina Arnel Mangunay ng Brgy. Maligaya noong Oktubre 29, 2016; at Doreen Hulleza ng Brgy. Santa Inez noong Agosto 25, 2015.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek para  sumailalim sa kaukulang disposisyon ng pulisya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: