PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ginang nakuryente, todas

Sinabi ng kapitbahay ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, abala ang ginang sa kanyang sagingan nang mahawakan nito ang talop na kable ng kuryente sa kabilang bakuran. File

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis makaraan itong makuryente sa likurang bahagi ng kanilang bakuran sa Barangay Mangusu, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Marlyn Anonat ng Lower Sibulao, Barangay Sibulao sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong alas-8 ng umaga.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang tinitibag  ng biktima ang saging sa likurang bahagi ng kanilang bakuran ng mangyari ang insidente.

Sinabi ng kapitbahay ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, abala ang ginang sa kanyang sagingan nang mahawakan nito ang talop na kable ng kuryente sa kabilang bakuran.

Bunsod nito, agad na nagkikisay ang ginang hanggang sa mamatay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: