PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulis manunundo ng syota utas sa killer bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 27-anyos na PNP Special Action Force na nakipagbakbakan sa Marawi City makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Apanay, bayan ng Alicia, Isabela noong Miyerkules ng madaling araw.


Kinilala ni P/Senior Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia police station ang biktima na si PO2 Marbert Gamido ng PNP-SAF sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna at tubong Barangay Callao sa bayan ng Alicia.


Ayon sa police report, umagaw ng linya ang biktima kaya nasalpok ng Dalin Liner Bus na minamaneho ni Joemar Pascua na patungong Cagayan.


Sinasabing patungong Santiago City ang biktima upang sunduin ang kasintahan nitong panggabi sa trabaho nang maganap ang trahedya dakong ala-una ng madaling araw.

Sinasabing aayain na sanang pakasal ni Gamido ang nobya sa darating na Kapaskuhan subalit parang bulang naglaho ang kanilang romansa at magagandang pangarap dahil humadlang si Kamatayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: