PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trike vs truck: Pulis, 3 pa tigok, 8 sugatan

MANILA, Philippines — Apat-katao kabilang ang isang pulis ang namatay habang walo naman ang nasugatan makaraang mabangga ng 10-wheeler truck ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng Natatas Road sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina SPO3 Marqueses Valentino, Raymond Llenado, Marvel Itoralde, at si Nanette Aton.

Isinugod naman sa CP Reyes at Mercado Hospital sa Tanauan City ang mga sugatang sina Charles Joshua Castillo, Juveline Kaye Castillo, Lalaine Gabriel, Vicente Castillo, John Rowell, Erwin Latarya, Jarneil Gatpayat, at si Les­ter John Salazar.

Sa ulat ni P/Supt. Renato Mercado, hepe ng Tanauan City police station na naisumite sa Camp Crame, nawalan ng kontrol sa manibela ng 10-wheeler truck ang driver na si Richard Lozano kaya inararo nito ang kasalubong na traysikel na sinasakyan ng mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga ay napisak ang mga sakay ng traysikel habang isa pang trike ang nadamay din sa insidente na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong 4 counts of homicide at 8 counts ng serious physical injuries, reckless imprudence at damage to property.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: