PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sundalo ninakawan na, pinatay pa

NORTH COTABATO, Philippines — Napaslang ang 27-anyos na sundalo ng Phil. Army makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins na tumangay ng kanyang motorsiklo sa Molave Street, Purok 2 sa Barangay Poblacion, bayan ng Carmen, North Cotabato noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, PNP regional spokesperson ang biktima na si Private First Class Resto­ven Baqueran ng Tuguegarao City, Cagayan at nakabase sa Army Training Group sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, nagmomotorsiklo ang biktima nang sundan at ratratin ng tandem.

Kahit sugatan na may dalawang tama ng bala sa katawan ay nagawang makatakas ng biktima.

Kaagad namang tinangay ng tandem ang motorsiklo ng biktima.

Naisugod pa si Baque­ran sa pagamutan subalit namatay din habang ginagamot sa Provincial Hospital sa Kidapawan City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: